DILG kumilos vs sunog

Inatasan kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) ang Bureau of Fire Protection (BFP) na maglunsad ng “fire safety inspection” sa buong bansa kabilang na sa mga paaralan, pagamutan at mga gusaling pag-aari ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan sa mapaminsalang apoy.

Sa direktiba ni Puno, sinabi ni Undersecretary Marius Corpus na agad na sisibakin sa puwesto ang fire marshall at ang hepe ng Fire Safety Inspection Unit na mapapa­tunayan na hindi nagsagawa ng inspeksyon sa oras na may maganap na sunog sa kanilang lugar.

Ipinag-utos rin ni Puno ang mas mahigpit na imbes­tigasyon sa mga nagaganap na sunog kahit na mabatid na hindi sinadya ang pagsiklab ng apoy.  Sinabi nito na maaaring mapanagot sa batas ang may-ari ng bahay o establisimiyento na pagmumulan ng apoy dahil sa matinding kapabayaan lalo na kung may buhay na masasawi. (Danilo Garcia)

Show comments