Sigarilyo nakakabulag, ayon sa DOH chief

Binalaan kahapon ng Department of Health ang mga nanini­garilyo dahil posible silang mabulag.

Sinabi ni DOH Secretary  Francisco Du­que III na sinisira ng paninigarilyo  ang sup­lay ng dugo sa katawan na dahilan para malan­tad ang isang tao sa free radicals, mang­hina ang kanyang vital organs  kasama na ang kanyang mga mata.

Sinabi pa ng kalihim na, batay sa pag-aaral, ang paninigarilyo ay maaaring madulot ng sakit na katarata, lu­mabo ang paningin, makapaminsala sa retina ng mata, at mag­palubha sa kundisyon ng isang diabetic.

Dahil sa epekto ng paninigarilyo sa mata ng tao, sinuportahan ng Philippine Academy of Ophthalmology ang hangarin ng DOH na ganap na ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Lumilitaw sa isang survey ng DOH na umaabot sa 456,694 ang bilang ng mga tao na nabubulag at  283,150 naman ang nagkakaroon ng kata­rata dahil sa paniniga­rilyo. (Grace Amargo-dela Cruz)

Show comments