Sigarilyo nakakabulag, ayon sa DOH chief
Binalaan kahapon ng Department of Health ang mga naninigarilyo dahil posible silang mabulag.
Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na sinisira ng paninigarilyo ang suplay ng dugo sa katawan na dahilan para malantad ang isang tao sa free radicals, manghina ang kanyang vital organs kasama na ang kanyang mga mata.
Sinabi pa ng kalihim na, batay sa pag-aaral, ang paninigarilyo ay maaaring madulot ng sakit na katarata, lumabo ang paningin, makapaminsala sa retina ng mata, at magpalubha sa kundisyon ng isang diabetic.
Dahil sa epekto ng paninigarilyo sa mata ng tao, sinuportahan ng Philippine Academy of Ophthalmology ang hangarin ng DOH na ganap na ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Lumilitaw sa isang survey ng DOH na umaabot sa 456,694 ang bilang ng mga tao na nabubulag at 283,150 naman ang nagkakaroon ng katarata dahil sa paninigarilyo. (Grace Amargo-dela Cruz)
- Latest
- Trending