^

Bansa

MMDA men aarmasan ng itak

- Angie dela Cruz, -

Magmumukhang mga Katipunero na ang mga traffic enfor­cers ng  Metropolitan Manila Development Authority sa oras na maipatupad na ni MMDA Chairman Ba­yani Fernando ang pla­nong ar­masan sila ng mga gulok o itak  bilang protek­siyon ha­bang nagpa­patupad sila ng kani­lang tung­kulin sa mga lansa­ngan.

Naniniwala si Fer­nando na igagalang na ng mga pasaway na driver ang kanilang mga traffic enforcers sa oras na makita nilang mas mahaba ang da­lang itak ng mga ito kumpara sa kanilang ice pick at tubo na  karaniwang armas ng mga tsuper.

Pabiro pang wini­ka ni Fernando na mas maganda sana kung totoong may “laser sword” na tulad ng ginagamit sa pe­liku­lang  Star  Wars  na ma­ipagagamit sa mga enforcers upang mas maging epektibo ang pagtugis nila sa mga pasaway na drayber.

Ayon kay  Fernan­do, minsan na niyang naipatupad ito sa ka­nilang mga traffic enforcers noong siya pa ang alkalde ng Mari­kina City kung saan tumino ang mga ma­titigas ang ulong mga tsuper at naging ma­ayos ang daloy ng tra­piko sa kanilang lung­sod.

Sa ngayon aniya ay idinadaan na lamang nila sa dami ng mga  enforcers na kumu­kuyog sa pasaway na driver upang hindi na­man maagrabiyado ang kanilang tauhan na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin su­balit kadalasan ay na­sasaktan pa o napa­patay.

Gayunman, hindi naman aniya sa lahat ng lugar sa Kamay­nilaan ay puwedeng magtalaga ng mara­ming enforcers dahil kapos din sila sa mga tauhan kaya ang pag­bibigay sa kanila ng itak upang magamit sa pagtatanggol sa sarili ang naisip nilang pa­raan.

Naniniwala si Fer­nando na hindi na babastusin ng mga pasaway na driver ang kanilang mga enforcers kapag nakita nilang may nakasukbit na mahabang itak ang mga ito sa kanilang baywang.

Sa ngayon aniya ay halos bastusin at minsan ay sinasaktan pa hindi lamang ng mga driver kundi ma­ging ng mga  barker ang kanilang mga enforcers habang tu­mutupad sa kanilang tungkulin.

vuukle comment

CHAIRMAN BA

KANILANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with