DOJ Sec. Gonzalez isinugod sa ospital
Isinugod kahapon sa ospital si Department of Justice (DOJ) Secretary Raul Gonzalez dahil sa bleeding ulcer.
Si Gonzalez mismo ang nagkumpirma sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa cellular phone na isinugod siya sa ospital dahil sa naturang sakit subalit tumanggi itong sabihin kung saang ospital sa Maynila.
Nilinaw naman ng Kalihim na nasa maayos pa rin siyang kalagayan at sinigurong lalabas na sa ospital bukas, araw ng Linggo.
Si Gonzalez ay nanilbihan bilang kalihim ng DOJ simula noong Setyembre 1, 2004. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending