^

Bansa

E-powers kay GMA, no way!

- Nina Rudy Andal at Malou Escudero -

Tinutulan ng mga se­nador kasama na ang mga kaalyado ni Pangu­long Arroyo ang panuka­lang big­yan ng emergency powers ang Presidente sa harap ng lumulubhang krisis sa tagtuyot.

Ayon kay Senate President Manny Villar, hindi karagdagang kapang­yarihan ang kailangan ng Pangulo kundi pera na ipambibili ng mga karag­dagang pasilidad at equipment.

“Nasaan na ang sina­sabi ni Pangulong Gloria Arroyo sa kanyang State of the Nation Address  na ‘she can be as strong as she can be?” tanong ni Villar.

Nangangamba tuloy si Sen. Francis Escudero na posibleng gawa-gawa lamang ang nakaambang krisis sa enerhiya at gina­gamit lamang ito upang ma-exempt sa bidding process ang mga papasuking kontrata ng gobyerno hinggil sa eherniya.

Hanggang ngayon, nasa kritikal na lebel pa rin ang tubig sa mga dam at hindi rin kasing epektibo ang isinagawang cloud seeding.

Dahil hindi napapaki­na­bangan ang hydropower plants, nagbabantang mag­karoon ng krisis sa enerhiya.

Sabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, kapag nangyari ito, hihingi ang gobyerno ng emergency powers sa Kon­greso.

Ayon kay Ermita, ka­ilangan daw ng Pangulo ng special powers lalo na sa pagbili ng energy materials na tulad ng coal para sa power plants.

Inutusan na ng Pa­ngulo ang Napocor na madaliin at damihan ang pagbili at pag-iimbak ng coal para masigurong may reserba sakaling tumagal pa ang tagtuyot. 

Pero tiniyak ni Ermita na nakahanda ang mga ahensya ng gobyerno at may sapat na pondo ito para rumesponde sa krisis. 

Gayunman, hinihingi pa rin nito ang koope­ras­yon at tulong ng publiko, lalo na sa pagtitipid ng tubig.

AYON

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

FRANCIS ESCUDERO

PANGULO

PANGULONG GLORIA ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with