^

Bansa

Pugot-rebels nakapuga na

-

Nabigo ang mga ta­uhan ng Philippine National Police (PNP) na madakip ang may 130 pugot rebels sa Basilan na responsable umano sa pagpatay sa 14 Marines dahil nakatakas na ang mga ito.

Ayon kay Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Director, Chief Supt. Joel Gol­tiao, dakong alas-9 ng umaga kahapon ng mapasok ng may 300 miyembro ng Basilan Police ang target na lugar upang isilbi ang warrant of arrest subali’t nabigo silang mahuli ang grupo.

“There are no respondents in the area. Wala kaming nakitang wanted person in the area as of this time,” pahayag ni Goltiao na aminadong posibleng naalarma at tuluyang nabulabog ang naturang grupo ng Muslim extremist sa ikinaka­sang punitive operations ng tropa ng militar.

Aniya, tanging mga matatanda na lamang doon sa lugar ang kani­lang inabutant.

Kaugnay nito, ipinag­paliban naman ng PNP ang pagsisilbi ng warrant of arrest na itutuloy nila sa Huwebes mata­pos makiusap ang Coordinating Committee on Cessation of Hostilities (CCCH) na bigyang daan muna ang imbes­tigasyon hanggang Mi­yerkules.  (Joy Cantos)

AUTONOMOUS REGION

BASILAN POLICE

CESSATION OF HOSTILITIES

CHIEF SUPT

COORDINATING COMMITTEE

JOEL GOL

JOY CANTOS

MUSLIM MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with