Global warming ramdam na sa Pinas
Bunsod umano ng global warming kaya kahit tag-ulan na sa Pilipinas ay mainit pa rin ang panahon.
Ayon kay Ludy Alviar, senior forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa), inasahan nilang tatlong bagyo ang tatama sa bansa ngayong buwan ng Hulyo, subalit ni isa man dito ay hindi dumaan sa Pilipinas.
Gayunman, umaasa ang Pagasa na kahit dalawang bagyo ay tatama sa bansa sa Agosto bagamat noong una ay tinaya nilang apat na bagyo ang dadaan sa bansa sa susunod na buwan.
“We were supposed to experience three typhoons this July but they failed to form, or they veered away. This August there should be four typhoons, but we’d be happy to end up with two,” dagdag ni Alviar.
Ang bahagi ng Metro Manila at kalapit lalawigan ay dumadanas na ng dalawang oras na brownout matapos na mabigo na makapagproduce ng kuryente ang hydroelectric plants ng Napocor dahil sa kakulangan ng ulan sa bansa.
Sinasabi ng Napocor na dahil sa mababang patak ng ulan na tumatama sa mga dams partikular sa Angat, Magat, Pantabangan, San Roque at Binga hindi makapagbigay ng sapat na suplay ng kuryente ang planta ng ahensiya.
Inaasahan naman na magtatagal pa ang pagkakaroon ng brownout sa mga lugar sa Metro
Sinabi pa ni Alviar na ang pag-uulan ay nararanasan lamang sa ngayon sa Visayas at
Dinagdag pa ni Alviar na magpapatuloy ang mainit na panahon kahit na tag-ulan sa kasalukuyan dahil sa epekto ng global warming.
“Yes, it’s the effect of global warming. It’s very hot and humid,” pagtatapos ni Alviar.
Samantala, isinisi naman ni Sen. Loren Legarda sa “shortage” ng mga punong kahoy ang napipintong kakulangan sa tubig.
Dapat aniya’y binibigyang prayodidad pa rin ng gobyerno ang pagtatanim ng puno upang maiwasan ang krisis sa tubig at iba pang uri ng kalamidad. (Dagdag ulat ni Malou Escudero)
- Latest
- Trending