US aid sa Pinas di raw tinapyasan

Nilinaw kahapon ng Palasyo na walang kato­tohanan ang napaulat na binawasan ng US government ang military assistance nito sa Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin ni Executive Secretary Eduar­do Ermita sa kanyang media briefing sa Palasyo kaugnay sa report na tinapyasan ng US ang tu­ long nito sa Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ni Sec. Ermita, pinabulaanan mismo ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa ating embahada sa Washington na walang katotohanan ang sinasabing military assistance cut.

Batay sa media reports, magbabawas daw ng ka­nilang military assistance ang US sa Pilipinas mula sa dating $35 milyon ay magiging $11 milyon na lamang ito.

Aniya, kung sakaling magkaroon ng US military assistance cut ay makaka­apekto rin ito sa anti-terror campaign ng pamahalaan subalit kahit magkakaga­nito ay epektibong isasa­katuparan pa rin ng Arroyo government ang anti-terror campaign.

Ipinaliwanag pa ni  Er­mita, kung mag-aalok din ng military assistance ang Australia o anumang ban­sa ay tatanggapin ito ng gobyerno upang makatu­long sa ating kampanya kontra terorismo. (Rudy Andal)

Show comments