^

Bansa

Giyera sa Basilan sisiklab

-

Sisiklab na ang giyera sa Basilan na posibleng lumaganap pa sa ibang bahagi ng Mindanao ma­tapos na ibaba na kaha­pon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Hermoge­nes Esperon Jr . ang “go signal” sa tropa ng militar sa Basilan upang simulan ang paglusob sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front na pu­mas­lang  sa 14 na sun­da­long Marines na kina­bibi­langan ng mga pinugu­tang biktima.

Ginawa ni Esperon ang utos makaraang ma­tapos ang pitong araw na binigay ni Esperon sa MILF para isuko ang mga rebeldeng pumatay sa mga Marines sa Albarka (dating Tipu-tipo), Basilan noong Hulyo 10

Nagbanta naman ang MILF na gaganti sa pama­magitan ng pag-atake sa Sulu, Lanao del Sur, La­nao del Norte  na maaring umabot pa sa Central Mindanao kapag sinindi­han ng tropang militar ang mitsa ng giyera sa Ba­silan.

Binigyan na ng awto­risasyon ni Esperon si AFP Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Eugenio Cedo at iba pang military commanders sa Basilan na umpisahan na ang  punitive operations sa mga kampo ng MILF na pinagtataguan ng mga berdugo.

Ayon naman kay MILF Chief peace negotiator Mohagher Iqbal, handa silang lumaban ng giyera sa giyera sa militar kapag inumpisahan ng mga sun­dalo ang pag-atake laban sa kanilang mga kampo. Iginiit nito na wala silang isusukong MILF dahilan hindi ang kanilang mga miyembro ang sang­kot sa pamumu­got ng ulo sa 10 sa na­patay na Marines.

Sa kasalukuyan, aabot sa 5,000 tropa ng Marines at Philippine Army ang nasa Basilan na inatasang maglunsad ng punitive operations laban sa mga berdugo. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CHIEF OF STAFF GENERAL HERMOGE

BASILAN

CENTRAL MINDANAO

ESPERON

ESPERON JR

EUGENIO CEDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with