Iginiit ng mga negos yante sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) na ibilang na rin sa kanilang mga sinusuring imported na produkto ang harina na pumapasok sa bansa partikular na ang mga galing sa China.
Ayon kay Jess Arranza, pangulo ng Federation of Philippine Industries Inc (FPII), hindi dapat ituon la mang ng BFAD ang kani-lang pagsusuri sa mga candy, biscuits at toothpaste kung saan may nakita sila sa ilang mga produkto na kontaminado umano ng kemikal na formaldehyde o formalin na ginagamit na pang-embalsamo sa mga patay.
Sinabi ni Arranza na dahil sa napakaraming mga harina ang pumapasok sa bansa, posibleng may mga inaangkat na ganitong produkto na kontaminado rin ng naturang kemikal na nakakapinsala sa kalusugan ng tao. (Angie dela Cruz)