^

Bansa

JDV kinakabog na — Bagatsing

-

Kinakabahan na uma­no si Speaker Jose de Vene­cia sa nalalapit na botohan sa speakership kaya nagpanukala ito na mag-term sharing na lang sila ni Cebu Rep. Pablo Gar­cia bilang speaker ng House of Representatives. 

Binigyang-diin ni Manila Rep. Amado Bagat­sing na lubhang nalug-mok ang House sa ilalim ng 12 taon ni de Venecia bilang speaker at tuluyan na itong mawawasak kung manu­nungkulan pa si de Vene­cia ng kahit 18 bu­wan lang sa ilalim ng    kan­yang proposal. 

Inihayag ni Bagatsing na lalo pang lumakas  ang clamor ng mga kongre­sista, lalo na sa hanay ng Kampi, Nationalist Peo­ple’s Coalition, Naciona­lista   Par­ty, Liberal Party, ilan mula sa Lakas, at mga oposis­yon na idaan sa secret balloting ang pagpili ng House leaders.  

Ipinunto pa ni Bagat­sing na ang secret balloting ay ginagamit na sa Amerika, Canada, Australia at Inglatera, pati na sa Vatican sa pagpili ng Santo Papa, kung kaya walang basehan ang pagtutol ni de Venecia rito. 

Ginawa niyang halim­bawa ang Australian at    iba pang parliamento na secret balloting ang gina­gamit sa paghalal ng ka­nilang speakers. (Butch Quejada)

vuukle comment

AMADO BAGAT

BUTCH QUEJADA

CEBU REP

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LIBERAL PARTY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with