“Till death do us part.”
Ito ang pinatunayan ni Jenny, nobya ng napatay na si Marine Sgt. Rey Calueng, matapos niyang pakasalan ang nobyo kahit isa na itong bangkay.
Para kay Jenny, hindi hadlang ang kamatayan para patunayan ang kanyang wagas na pagma-mahal kay Rey.
Sa isang simpleng seremonya kamakalawa bago inilibing si Rey ay ikinasal ang dalawa sa Tu guegarao City, Cagayan.
Si Rey ay kabilang sa 14 miyembro ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 na napatay sa isang engkuwentro sa Basilan noong Hulyo 10. Sam pu sa kanila ay pinugutan pa ng ulo.
Nabatid na bago mamatay si Calueng ay itinakda na nito sa Agosto ang pagpapakasal kay Jenny, tubong Lanao del Sur, upang maging legal ang pagsasama nila. Mayroon na silang 3-taong-gulang na anak.
Binigyang diin ni Jenny na kailanman ay hindi mapapalitan sa kanyang puso ang nobyo na tinawag niyang bayani dahil sa katapangang ipinakita sa pagtupad ng tungkulin. (Joy Cantos)