Lacson, Pimentel boykot sa SONA
Balak boykotin ng ilang senador sa pangu nguna nina Sen. Panfilo Lacson at Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., ang State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo sa Lunes, Hulyo 23.
Sinabi ng dalawang senador na miyembro ng oposisyon na bobolahin lamang ng Pangulo ang makikinig sa kanyang SONA at siguradong
Lumang tugtugin na umano at paulit-ulit na lamang na mag-uulat si Mrs. Arroyo na may ginawa itong maganda sa kanyang panunungkulan sa loob ng isang taon.
Idinagdag pa nina Lacson at Pimentel na mangangako na naman ng mga hindi kapani-paniwala at imposible ang Pangulo katulad ng mga nauna niyang SONA.
Idinagdag ni Lacson, hindi “big deal” sa kanya ang SONA at isang ordinaryong pangyayari lang umano ito sa Lunes.
Ayon pa kay Lacson, isang beses lang siya du malo sa SONA ng Pangulo noong 2001 at ito’y upang malaman kung papaano mag-speech ang Pangulo ng kanyang SONA. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending