Ad agency na naglabas ng verdict ad ni Erap, pinagpapaliwanag

Pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan ang advertising agency na nag­labas ng verdict ad sa kasong pandarambong ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sa ibinabang resolus­yon ng Special division ng Sandiganbayan, binibig­yan ng mga mahistrado sa pangunguna ni Presiding Justice Teresita Leo­nardo de Castro, Asso. Justices Francisco Villa­ruz Jr. at Diosdado Pe­ralta ang nagpalathala ng ad para ipaliwanag ang kanilang ginawang hak­bang.

Parti­kular na hini­hingan ng mga ito ng paglilinaw ay ang mga katagang “guilty or not guilty” kailangan bang may gulo? Nagsalita na ang korte o “the court has spoken.”

Nauna rito ay naghain ng mosyon ang panig ng depensa at hiniling na padaluhin sa korte ang mga editor ng pitong pa­ngunahing pahayagan para ikumpisal kung sino ang ad agency o mismong taong nagbayad para mailathala ang nasabing verdict ad noong Hulyo 4. 

Sinabi ni de Castro na batid nilang maraming tao ang nagda­rasal na sana ay maka­pagbaba sila ng patas na hatol sa nasa­bing kaso.

Aminado si de Castro na kahit papaano ay na­apektuhan sila ng ilang hinala at palagay sa kung papano nila dedesisyu­nan ang kaso ni Erap.

Dahil dito, tiniyak ng mga mahistrado na hindi sila padadala sa anupa­mang pananakot o pang­gi­gipit mula sa kahit saan pa mang panig.

Anuman ang maging hatol nila ay batay sa me­rito ng kaso at mga ebi­densiyang iprinisinta sa korte. (Angie dela Cruz)

Show comments