^

Bansa

SONA ni GMA, 45 minuto lang

-

Tatagal lamang ng 45-minuto ang magiging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo sa pagbubukas ng 14th Congress sa darating na Lunes, July 23.

Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bun­ye, sa ginawang rehear­sal ng Pangulo sa kan­yang speech sa harap ng mga miyembro ng Gabi­nete ay inorasan ito at tumagal ng 45 minuto.

Sinabi ni Sec. Bunye, nakatuon ang SONA ng Pangulo sa tuloy-tuloy na kaunlaran sa larangan ng ekonomiya, edukasyon at social justice upang makamit ang minimithing mapabilang ang Pilipinas sa First World Countries.

Inamin din ni Bunye na gagamit muli ang Pangulo ng mga “gimik” tulad ng mga visual aid at iba pang sorpresa sa kanyang SONA.

Ang SONA din ng Pangulo ay magsisilbing report card nito sa taumbayan kaug­nay sa kanyang mga na­gawa sa nakalipas na taon.

Aniya, hindi ang Pa­lasyo ang dapat magbi­gay ng grado sa Pangulo kung nakapasa ito sa kanyang mga pangako noong nakaraang taon sa taumbayan kundi dapat ay mayroong 3rd party na magiging judge na mag­bibigay ng grado dito. (Rudy Andal)

BUNYE

FIRST WORLD COUNTRIES

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUN

PRESS SECRETARY

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with