Drilon kinatigan

Isinapinal na ka­hapon ng Korte Su­prema ang desisyon nito na nagde­dek­larang si Sen. Franklin Drilon ang lehitimong pangulo ng Liberal Party. Kaugnay nito, dinismis ng Mataas na Hukuman ang motion for reconsideration ng isang paksyon ng LP na pinangunguluhan ni dating Manila Mayor Lito Atienza. (Ludy Bermudo)

Show comments