^

Bansa

Pinay yaya sa Saipan milyonarya na!

-

Instant millionaire nga­yon ang isang Pinay baby­sitter sa Saipan matapos ipag-utos ng korte doon na bayaran siya ng dating amo ng mahigit sa P13 milyon (US$285,186.10) bilang danyos sa hindi pagbigay ng tamang sahod sa loob ng limang taon.

Napatunayan ng korte na lumabag sa batas si Ricardo Bautista, isa ring Pinoy at dating Consular Assistant sa Philippine Consulate general sa Sai­pan, dahil sa hindi pagba­bayad sa kasambahay niyang si Glenda R. Tinay sa mga serbisyo nito bilang katulong at babysitter.

Sa employment contract ni Tinay kay Bautista, nakasaad na mababaya­ran ang una ng US$5.25 kada oras at additional pay per hour ng overtime work bilang babysitter at all-around housemaid.

Sinigurado rin ng employer nito na siya’y mabi­big­yan ng “free furnished accommodation, food, and working clothes during the term of the contract.”

Gayunman, sa loob ng paninirahan nito sa bahay ng diplomat mula July 8, 2002 hanggang Jan. 27, 2007 ay napagkaitan ito ng nabanggit na mga pribile­hiyo at wala ring nakuhang suweldo. (Joy Cantos)

BAUTISTA

CONSULAR ASSISTANT

GLENDA R

JOY CANTOS

PHILIPPINE CONSULATE

RICARDO BAUTISTA

SHY

TINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with