Sen. Loi aalagaan na lang si Erap
Nagpaalam na sa kanyang mga kasamahan sa Senado si Senator Loi Estrada kung saan itutuon na lamang niya ang kanyang panahon sa pag-aalaga sa asawang si dating Pangulong Joseph Estrada.
Nakatakdang matapos ang termino ni Sen. Loi sa darating na Hunyo 30 bago ang opisyal na pagbubukas ng 14th Congress.
Sinabi ni Sen. Loi na isa ring doktora, na sa umpisa pa lamang ay wala talaga siyang balak pumasok sa pulitika at ang tanging hangad ay makapagserbisyo sa bayan sa kaniyang tinapos na propesyon bilang isang manggagamot.
Aniya, tanging si Erap ang nagbigay ng inspirasyon sa kaniya kung bakit napasok siya sa Senado.
Ayon sa maybahay ni Erap, ipauubaya na niya ang Senado sa kanilang anak na si Sen. Jinggoy Estrada at sa iba pang mga pambato ng oposisyon na sinupor tahan ang career sa pulitika ni Erap. (Joy Cantos )
- Latest
- Trending


















