GMA binasbasan ng Papa

Muling nakipagkita kahapon si Pangulong Gloria Arroyo kay Pope Benedict XVI sa Apostolic Palace sa  Vatican City upang humingi ng basbas nito.

Noon lamang nakaraang taon, naki­ pagkita rin ang Pa­ngulo kay Pope Bene­dict nang bumi­sita ito sa Vatican.

Sinasabi sa isang pa­hayag ka­hapon ng Malakan­yang na bi­nindisyunan  umano ni Pope Be­nedict XVI ang Pa­ngulo at ang mga mamamayang Filipino. (Malou Escudero)

Show comments