Recto sumuko!

Malungkot na ti­nanggap kahapon ni reelectionist Senator Ralph Recto ang pag­katalo niya sa naka­raang senatorial election.

Sinabi ni Recto sa kan­yang  privilege speech sa special session ng Se­nado na, kahit talunan, pi­nasa­sala­matan niya ang mga bu­moto sa kanya.

Si Recto ay siyam na taong nanungkulan bi­lang kongresista at anim na taon naman bilang senador.  

Inamin ni Recto na, bagaman  milyun-mil­yon ang bumoto sa kanya, hindi pa rin ito sapat para makapasok siya sa Ma­gic 12.

Pero, ayon sa isang opisyal ng National Move­ment for Free Elections, may tsansa  pang makapasok sa Magic 12 sina Team Unity senatorial candidate Juan Mi­guel Zubiri at Recto. Sinabi kahapon ni NAMFREL secretary-general Eric Alvia na humigit-kumulang pang 500,000 o 600,000 boto ang kailangang bilangin ng kanilang mga volunteer.         

“Sa huling bilang na­min ang layo na lang ng 12 at 13, mga 100,000 na lang eh. Ang mga bibilangin na lang sigu­rong natitira ay more or less 500,000 to 600,000 na lang sa kabuuan,” sabi pa ni Alvia sa isang panayam. (Joy Cantos)

Show comments