Recto sumuko!
Malungkot na tinanggap kahapon ni reelectionist Senator Ralph Recto ang pagkatalo niya sa nakaraang senatorial election.
Sinabi ni Recto sa kanyang privilege speech sa special session ng Senado na, kahit talunan, pinasasalamatan niya ang mga bumoto sa kanya.
Si Recto ay siyam na taong nanungkulan bilang kongresista at anim na taon naman bilang senador.
Inamin ni Recto na, bagaman milyun-milyon ang bumoto sa kanya, hindi pa rin ito sapat para makapasok siya sa Magic 12.
Pero, ayon sa isang opisyal ng National Movement for Free Elections, may tsansa pang makapasok sa Magic 12 sina Team Unity senatorial candidate Juan Miguel Zubiri at Recto. Sinabi kahapon ni NAMFREL secretary-general Eric Alvia na humigit-kumulang pang 500,000 o 600,000 boto ang kailangang bilangin ng kanilang mga volunteer.
“Sa huling bilang namin ang layo na lang ng 12 at 13, mga 100,000 na lang eh. Ang mga bibilangin na lang sigurong natitira ay more or less 500,000 to 600,000 na lang sa kabuuan,” sabi pa ni Alvia sa isang panayam. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending