2 Pinoy seamen pinalaya sa Nigeria

Kumalat kahapon ang balitang pinalaya na ng mga rebelde sa Nigeria ang dalawang Pilipinong seaman na kinidnap nila sa loob ng apat na oras.

Naiulat na sa mga dayuhang media outlet ang pangyayari pero tumanggi pa ang Department of Foreign Affairs na kumpirmahin ito dahil inaalam pa ang detalye sa pag­kakalaya ng mga bi­hag.

Naunang kinum­pirma ni Nigeria River State Police Chief Felix Ogbaudu ang paglaya ng mga Pilipino na pa­wang nagtatrabaho umano sa M/V Seacor  na nakadaong sa Port Harcourt nang maga­nap ang pagbihag sa mga ito. (Joy Cantos)

Show comments