Hindi na naman natuloy ang partial proclamation ng mga nanalong senador ngayong Sabado matapos muling bawiin ni Commission on Election Chairman Benjamin Abalos ang proklamasyon dahil mayroon pa umanong mahigit 2 milyong boto na isasalang sa bilangan.
Ito ang ikalawang pagkakataon na naudlot ang proklamasyon. Kahapon ay mga certificate of canvass lang mula sa Caloocan ang nabilang at may mga boto pang hinihintay na magmumula sa walong probinsiya at re-canvassing naman sa Maguindanao. (Grace dela Cruz)