^

Bansa

Senate Presidency aagawin ni Nene kay Villar

-

Tatangkain umano ni Senate Minority Floor­leader Aquilino “Nene” Pimentel na agawin kay Senate President Manuel Villar ang liderato ng Sena­do sa pagbubukas ng ika –14 sesyon ng Kongreso.

Sa kasalukuyan ay matunog ang pangalan ni Pimentel na siya uma­nong mahigpit na maka­kalaban ni Villar sa nasa­bing posis­yon habang may tsansa rin si Sen. Mar Roxas sa nasabing posisyon.

Maugong ang panga­lan ni Pimentel para hu­malili sa puwesto ni Villar, ito’y sakaling desisyunan ng mayorya ng oposisyon na nakakopo sa Senado kung dapat na ngang pali­tan ang huli o pana­tilihin sa kanyang pu­westo.

Bagaman nangu­ngu­na si GO bet Loren Le­garda sa ranking ng mga sena­toriables ay mas­yado pa itong bata para pamunuan ang Senado.

Una na ring inihayag ni Legarda na wala pa sa kaniyang interes ang ma­ging Senate President at hindi pa niya ito pinag-iisipan sa kasalukuyan.

Tumanggi naman si Pimentel na magkomento sa nasabing isyu habang si Villar ay tiwalang mapa­panatili niya ang pagiging Senate President.

Sa panig naman ng GO, sinabi ni Spokesman Atty. Adel Tamano na ang pag­ hawak ng liderato sa Sena­do ay ibabase sa ‘coalition vote’ ng oposis­yon. 

Pero hindi pabor si Sen. Panfilo Lacson sa pa­nu­kalang magkaroon ng term-sharing sa pag­hawak ng liderato sa Senado.

“We don’t want sharing of the Senate presidency. We want a clear vote of confidence with the Senate leadership para walang aberya,” ani Lacson. 

Samantala ayon na­man sa grupo ni Sen. Mi­riam Defensor-Santiago, matibay rin ang indikas­yon na mapapanatili ni Villar ang kaniyang po­sisyon dahil sa matibay na sama­han ng Wednesday Club ng huli.

“I think Wednesday Club will remain and will grow even stronger... It might be difficult for Senate Pimentel although we can never tell,” giit pa ni San­tiago. (Joy Cantos)

ADEL TAMANO

JOY CANTOS

LOREN LE

SENADO

SENATE PRESIDENT

SHY

WEDNESDAY CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with