Most essential power
Ginawaran ng Philippine Medical Association ng certificate of affiliation sa isang seremonya sa Tagaytay Royale Country Club sa Tagaytay City noong Mayo 18 ang Philippine College of Medicine, isang asosasyon ng mga addiction medicine specialist.
Dahil sa PCAM, kinilala sa buong mundo ang Pilipinas bilang isa sa bansang merong professionalized medical services laban sa addictions.
Nabatid na ang PCAM at ang Philippine Association of Dangerous Drugs Board-Accredited Physicians Inc. ay nagsanib sa pagdaraos ng convention nito sa Rembrandt Hotel sa Quezon City sa Nobyembre 22-23, 2007. Anumang katanungan ay maitatawag kina PCAM secretary Dr. Desiree Chiongson (02-9277253), Dr. Sarah Belosillo (02-9290382) at Dr. Rosendo Sualog (02-7116982).
- Latest
- Trending