^

Bansa

Pagkaon ang gipamalit sa allowance

- Gia Racal -

Dumaraing ang libu-libong pampublikong guro sa bansa na nagsilbing mga Board of Election Inspectors (BEIs) sa gina­nap na May 14 elections na hindi pa sila nababa­yaran ng kanilang mga honorarium at transportation allowances.

Dumulog na sa tang­gapan ni Sen. Mar Roxas ang libu-libong mga pam­publikong guro na kasapi ng Teachers Organization for the Philippine Public Sector at ipinarating ng mga ito na marami pa rin sa kanilang hanay ang hanggang ngayon ay hindi pa nakakatanggap ng P3,000 honorarium at P300 transportation allowances na ipinangako ng gobyerno habang ang iba naman ay kalahati pa lamang ang naibabayad.

Bunga nito, nanawa­gan si Roxas sa Department of Finance (DOF) na ipalabas kaagad ang pondo para mabayaran ang mga teachers.

Binigyang diin ni Ro­xas na marapat lamang na mabayaran ng kani­lang mga honorarium at transportation allowances ang mga guro dahilan itinataya ng mga ito ang kanilang buhay sa pag­ganap ng mahalagang papel sa tuwing eleksyon sa bansa.

Inihalimbawa ni Roxas ang trahedyang sinapit ng gurong si Nellie Banaag ng Taysan, Batangas na nasawi matapos sunugin ng mga tiwaling pulis na kaalyado ng isang talu­nang kandidato ang es­kuwelahan sa kasag­sagan ng bilangan. (Joy Cantos)

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

DEPARTMENT OF FINANCE

JOY CANTOS

MAR ROXAS

NELLIE BANAAG

PHILIPPINE PUBLIC SECTOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with