Nakatakdang magpadala ang Estados Unidos ng 1,400 military personnel at tatlong mga barkong panggiyera para sanayin ang Philippine Navy forces kaugnay ng isasagawang war games sa karagatan ng Zamboanga at Basilan simula sa Mayo 31.
Sa press statement ng US Embassy, ang war games ay binansagang “Carat 2007” o ang pagsasanay para mahasa pa ang kaalaman sa pakikidigma ng magkaalyadong tropa ng Philippine Navy at US Navy.
Kabilang naman sa mga barkong ipapadala sa Pilipinas ang USS Harpers Ferry, ang 16, 500 toneladang amphibious warfare ship at dalawa pang 4,000 toneladang US frigates, USS Ford at USS Jarret.
Kabibilangan rin ang 1,400 US troops ng mga inhinyero, doktor at veterinarian na magsasagawa ng humanitarian mission habang nasa bansa. (Joy Cantos)