Back to the’80s

Nag-walkout habang isinasagawa ang canvass­ing sa Taguig City Hall ng mga abogado ng kandi­datong si Jett Reyes, tuma­takbong kongresista sa 2nd District ng Taguig.

Ayon kay Atty. Fran­cisco Muñez, head ng legal team ni Reyes, sila ay nagpa­hayag ng kani­lang ob­ jections sa may 131 Election Returns (ERs) dahil sa mga dipe­rensyang kanilang nakita sa na­sabing ERs. Ilan dito ay ang tam­pering ng mga bilang, pag­babago ng mga lagda ng mga kawani ng Board of Election Ins­pectors (BEI) at walang thumbmark. 

Ngunit ipinagwalang-bahala lamang diumano ng Board of Canvassers ang kanilang pagtutol. Itinuloy naman ng Board ang pag­bibilang matapos silang mag-walkout.

Si Jett Reyes ay nauna nang nakapagtala ng lamang na 811 boto laban sa pumapangalawang si Henry Duenas matapos mabilang ang mahigit sa 50% ng mga boto.

Una nang naghain ng petisyon sa Comelec ang mga abogado ni Reyes upang ideklarang illegal ang proceedings at dapat itigil ang isinasagawang canvassing.

Show comments