Hindi bababa sa 70 mahihirap sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang kabilang sa mga bagong nakinabang sa patuloy na charity program ni First Gentleman Mike Arroyo para sa mga may sakit. Ayon sa Chief of Staff ni Mr. Arroyo na si Undersecretary Juris Soliman, kabilang sa mga karamdaman ng mga nakinabang ay hypertension, cancer, cataract, ostheoporosis, meningitis, varicose veins, lupus, foot ulcer, anemia at goiter. Ayon kay Soliman, ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng libreng checkup, gamot at panggagamot sa PGH.
Kabilang sa mga natulungan sina: Emilia Reyes at Antonio Madres ng Quezon City; Patricia Vitug, Muntinlupa; Fulgencia Cristobal, Amadito Castillo, Aldrin Paras, Zenaida Hechanova, Vilma Balasbas, Cecilia Acol at Noemi Cruz pawang ng Maynila; Mhea Rica Epslaca, Camarines Sur; Janina at Shirley Gacer, Irene Malanay at Vincent Cruz pawang ng Taguig City; Danilo Aguilar ng Valenzuela City; Eduardo Teologo, Maria Estor, Maria Jusayan, Allan Mediana, Nicole Ashley Ramos at Epifania dela Cruz na pawang mula sa Bulacan. (Joy Cantos)