^

Bansa

RP re-elected to UN human rights body

- Pia Lee-Brago -

Iprinoklama na ka­gabi bilang bagong halal na gobernador ng Pam­panga ang paring katoli­kong si Fr. Ed Panlilio.

Ginawa ang prokla­masyon kasunod ng pangunguna niya sa bilangan ng mga boto para sa mga kandi­datong gobernador ng lalawigan sa katatapos na halalan. 

Nangibabaw ang mga boto ni Panlilio laban sa mga mas kila­lang personalidad sa pulitika sa Pampanga tulad ni incumbent Governor Mark Lapid at provincial board member Lilia Pineda.

Sa pinal at opisyal na pagbibilang ng provincial board of canvassers, nakakuha si Panlilio ng 219,703 boto. Sumu­nod sa kanya si Pineda sa botong 218,559 at Lapid sa botong 210,875.

Naunang ipinahayag ni Panlilio na ipinasya niyang banggain ang mga malalaking pulitiko sa Pampanga para sugpuin ang mga kati­walian at ang jueteng sa lalawigan. 

Nagsampa siya ng leave of absence sa sim­bahan nang mag­su­mite siya ng certificate of candidacy sa Commission on Elections.      

Ang pagbabakas­yon niya sa kanyang bokas­yon ay hindi nakapigil sa kanyang mga kritiko na magpakalat ng paninira laban sa kanya tulad ng pagkakaroon umano niya ng kalaguyo at anak. Kanya naman itong pinabulaanan.

ED PANLILIO

GOVERNOR MARK LAPID

LILIA PINEDA

PANLILIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with