Stock market soars to new record high

Tuluyan ng iniwan ni re-electionist Rep. Reylina “Neneng” Nicolas ang mga kalaban nito sa ika-apat na distrito ng lalawigan ng Bulacan matapos na lumamang ito ng mahigit sa 27,000 sa pinakamalapit na kalaban. Sa pinakahuling election returns ay namayagpag si Nicolas sa mga bayan ng Obando, Mey­cauayan, Marilao at Sta. Maria mula sa kanyang pinakamhigpit na karibal na si dating Public Works Undersecretary Salvador Pleyto.

Dahil dito maaga nang pinasalamatan ni Nicolas ang mga Bulakenya sa kanilang muling pagtitiwala at nangakong ipagpapatuloy ang kanyang magandang sinimulan.

Show comments