Dahil sa isyu ng citizenship, nakabitin ngayon ang appointment ni Sandiganbayan Justice Gregory Ong bilang pinakabagong Supreme Court Justice.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Press Secretary Ignacio Bunye, isang araw matapos mapabalita na itinalaga ni Pangulong Arroyo si Ong bilang bagong SC justice.
“It’s held in abeyance,” maikling tugon ni Bunye sa isang ambush interview nang tanungin kung ano ang status ng appointment ni Ong sa SC.
Ayon kay Bunye, dapat munang magpakita ng kati bayan si Ong kung ano ang totoong citizenship niya.
Ang pagkaka-appoint aniya ng Pangulo kay Ong ay ibinase sa rekomendasyon ng Judicial Bar Council at karapatan ng JBC na linawin ang anumang kuwestiyon sa qualification ng sinumang nominees.
Nauna rito, itinalaga si Ong bilang kapalit ni Justice Romeo Callejo na nagretiro noong nakaraang buwan. Naging chairman ng Sandiganbayan Fourth Division si Ong na may pinakamataas umanong nadispose na kaso sa nakaraang apat na taon. (Malou Escudero)