^

Bansa

Comelec ruling sa ‘Aquino’ gugulo sa bilangan

-
Maaari umanong panggalingan ng malaking gulo at pagkaantala ng bilangan ng boto sa halalan sa Lunes ang isang desisyon ng Commission on Elections na nagdedeklarang lahat ng boto na may nakasulat lang na "Aquino" ay mapupunta kay Tarlac Rep. Benigno "Noynoy" Aquino III, pamangkin ng kapwa nito kandidatong senador na si Tessie Aquino-Oreta.

Sinasabi ng ilang tagamasid ng makaadministrasyong Team Unity na sa General Instruction for Board of Election Inspector ng Comelec (Section 45, Article 5), kung ang nakasulat sa balota ay pangalan ng dalawang magkatukayong kandidato, ang boto ay mapupunta sa kandidatong kasama sa partido ng ibang kandidatong nakasulat sa balota.

Pero kailangan umanong linawin ng Comelec ang naturang desisyon. "Paano kung tatlo o lima o walo lang ang pangalang nakasulat sa espasyo para sa mga senador at ang isa dito ay Aquino lamang pero lahat ng kasamahan ni Oreta sa TU ay nakasulat sa balota? Sinasabing ngayon pa lang ay nalilito na ang mga watcher ng dalawang Aquino at ilang mga miembro ng BEI.

Lumitaw ang naturang obserbasyon sa kampo ng TU dahil tinitiyak ng maraming lokal na lider ng pamahalaan tulad sa Mindanao at Visayas na makakakuha ito ng 12-0 boto sa halalan. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AQUINO

BENIGNO

BOARD OF ELECTION INSPECTOR

COMELEC

GEMMA AMARGO-GARCIA

GENERAL INSTRUCTION

LUMITAW

TARLAC REP

TEAM UNITY

TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with