Ayon sa mapapanaligang impormante, hindi mga ordinaryong pulis ang nakikinabang ng milyong pisong padulas mula sa mga gambling lords kundi mga tiwaling opisyal ng PNP sa Camp Crame, Regional Command at mga istasyon ng kapulisan.
Bukod dito, nakikinabang din ang mga tiwaling alkalde, kongresista, barangay offficials, at gobernador ng mga probinsiya.
Hindi binanggit ng impormante ang mga pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na nakikinabang ng malaki sa jueteng pero isiniwalat niya ang halagang tinatanggap nila mula sa mga gambling lord kada linggo.
Importante sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang 7, 15 , 22 at 30 kada buwan dahil ito ang mga petsang dinadala sa kanila ang pinag-usapang halaga.
Ikinanta ng impormante ang operasyon ng jueteng at ang tinaguriang sugal - lupa sa Southern Police District na pinatatakbo ng isang Elmer Nepomuceno, alyas Bukbok, at ang kasosyo nitong si Manuela, alyas Allan 137.
Ayon sa source, binibigyan daw ng dalawang ito ang mga tiwaling official sa PNP -Directorate for Intelligence ng P100, 000 kada linggo isang Art ang tumatanggap; DILG, P200,000 a month; CIDG, P200,000 si Calabis ang tagakuha; NCRPO, P100,000 kada buwan at SPD, P200,000 kada buwan, at P1.2 million sa tanggapan ng isang Nieves. (Butch Quejada)