Ito ang text message na kumalat hindi lang sa Cotabato kundi sa buong sulok ng Pilipinas hanggang kahapon ng umaga.
Agad namang kinondena ni People’s champ Manny Pacquiao ang text message at sinabing isa na namang pakana ng kalaban ang pagpapakalat ng nasabing masamang balita laban sa kanya.
"Nagtitiwala ako sa mahal na Panginoon, hindi niya ako pababayaan. Di ako natatakot sa kanila. Ipagdarasal ko sila sana mararamdaman nila ang pagmamahal sa bawa’t isa," pahayag ni Pacquiao sa isang interbyu kahapon.
Ayon kay Pacman strategy lang umano ito ng kalaban na ngayon ay desperada at natataranta na dahil sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 14.
Sa kabila nito, hindi rin niya ipinagwawalang bahala ang nasabing tsismis dahilan para magdagdag ito ng security.
Nitong nakaraang linggo ay ibinunyag ni Pacquiao na target siya ng death squad ang itinuro ang pamilya ni Rep. Darlene Custodio na nasa likod ng umano’y planong paglikida sa kanya na mariin namang pinabulaanan ng kongresista.
Sina Pacquiao at Custodio ay magkalaban sa Congressional seat sa General Santos sa South Cotabato. (Edwin Balasa)