^

Bansa

Piyansa pinapakansela, Gringo pumalag

-
Pumalag kahapon si independent senatorial candidate Gregorio "Gringo" Honasan sa panibagong panggigipit sa kanya sa pamamagitan ng pagsusumite ng amended information ng Department of Justice (DOJ) prosecutors para makansela ang kanyang piyansa.

Kaagad namang sumaklolo si Sen. Juan Ponce Enrile at kaagad iniharap si Honasan kay Pangulong Arroyo kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Honasan, maliwanag na panggigipit lamang ang inihaing amended information ng DOJ prosecutors sa sala ni Judge Oscar Pimentel sa Makati-RTC Branch 148 upang idiin siya bilang principal accused sa 2003 Oakwood mutiny.

"This is pure and simple harassment against me. Gusto lang nilang harangin ang pangangampanya ko dahil lumulusot ako sa mga surveys," pahayag ng dating senador.

Magugunita na pinayagan ni Judge Pimentel si Honasan, na nasa ika-7 sa lahat ng senatorial surveys, na magpiyansa kaugnay sa kanyang kaso kaya nakalaya itong pansamantala para mangampanya.

Biglang iniutos naman ni Justice Sec. Raul Gonzalez sa kanyang prosecutors na rebyuhin ang kanyang kaso at hilingin sa korte na bawiin ang piyansa nito matapos idiin ng mga bagong witness na siya ay sangkot sa 2003 Oakwood mutiny kasama ang mga Magdalo soldiers.

Bukod kay Honasan, kabilang din sa mga kinasuhan ng rebelyon ay sina Ernesto Macahiya, ret. Capt. Felix Turingan, George Duldulao, Lina Reyes at iba pang sibilyan na sinasabing sangkot sa nabigong July 27, 2003 Oakwood mutiny.

Binigyan naman ng korte si Honasan ng 15 araw upang magsumite ng kanyang sagot hinggil sa inihaing amended information ng DOJ. (Rudy Andal)

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERNESTO MACAHIYA

FELIX TURINGAN

GEORGE DULDULAO

HONASAN

JUAN PONCE ENRILE

JUDGE OSCAR PIMENTEL

JUDGE PIMENTEL

JUSTICE SEC

LINA REYES

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with