YACAP nagpakilala ng nominado

Walang problema sa You Against Corruption And Poverty o YACAP party list kung ipakilala nila sa publiko ang kanilang mga nominado na uupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kapag nagwagi sa nalalapit na halalan sa Mayo 14.

Ayon kay Carol Lopez, isa sa mga nominado ng YACAP, importante ring malaman ng publiko kung sinu-sino ang mga nominado ng bawat party list dahil pwede itong maging batayan para ihalal nila sa eleksyon ang isang partido.

Ang YACAP ang susunod na magsisilbing bagong anti-corruption watchdog sa Kamara dahil kahit mahirap ng sugpuin ang umiiral na sistema nananatili ang kanilang pangarap na meron pa ring pag-asa na maresolba ang katiwalian.

Maliban kay Lopez nominado rin ng YACAP ang isang Mindanaoan Mayor na si Don-Don Omar at ang negosyanteng si Ernesto Moya ng Bulacan.

Show comments