Jueteng money vs Vilma
May 1, 2007 | 12:00am
Ibinunyag ng isang obispo ang planong gu mamit ng pera mula sa sugal na jueteng para pataubin ang aktres at Lipa City Mayor na si Vilma Santos na kumakandidato ngayong gobernador sa Batangas.
"Binabaha na ng pera mula sa jueteng ang lalawigan ng Batangas ngayong kampanya para sa nalalapit na halalan," ayon kay Lipa Bishop Ramon Arguelles.
Sinabi ni Arguelles na ang pagkalat ng jueteng money ay ibinunyag sa isang sulat sa kanya noong nakaraang Linggo ng isang kamag-anak ni Batangas Governor Arman Sanchez na nagpakilala sa pangalang Carpio. Sinasabi ni Carpio na gagamitin umano ang jueteng money para ipanlaban sa kandidatura ni Santos.
"Isang araw pagkatapos magdeklara si Mayor Vilma ng kanyng kandidatura bilang gobernador, agad nagpatawag si Gov. Sanchez ng isang pulong sa kanyang mansion sa Barangay Sta. Ana," sabi ni Carpio sa kanyang sulat. "Pinag-usapan sa pulong ang tinatawag niyang Plan B na may kinalaman sa mga hakbang para talunin si Santos."
Binanggit pa ni Carpio na inaamin ni Sanchez na tagilid ito kay Santos kaya binalangkas ang Plan B na, rito, ilulunsad ang malawakang panunuhol sa pamamagitan ng pondo ng jueteng para masiguro ang panalo ng reeleksyunistang gobernador.
Sa pagdedetalye ni Carpio sa suhulan, P5 milyon umano ang gagamitin para paatrasin ang isa pang kandidatong gobernador na si Nestor Sanares.
Kaugnay pa nito, P1 milyon naman ang ilalaan para sa regional director ng Philippine National Police at kalahating milyon para sa provincial director ng PNP para magbulag-bulagan ang mga ito sa paglaganap ng jueteng sa Batangas.
Balak din umano ni Sanchez na bayaran ng tig-P20,000 ang mga watcher ni Santos para bumaligtad at pumanig sa kanya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended