^

Bansa

Parañaque opens new high school

-
Bubuhos ang mala­king bilang ng transport groups sa pangunguna ng militanteng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide at mga pamilya nito sa isang malawakang kilos protesta ng mga manggagawa ngayong Araw ng Paggawa.
Ayon kay Piston Secretary General George San Mateo, may 1,500 mga drayber kasama ng mga kapamilya nito ang sasama sa malawakang pagkilos ng mga mangga­gawa kasama ng Kilu­sang Mayo Uno at Anakpawis Partylist sa Liwasang Bonifacio.
Sinabi ni San Mateo na makaraan ang isa­sagawang programa dito ay magmamartsa sila patungong Mendiola ka­sama ng mga mangga­gawa ang mga drayber at maralitang taga-lungsod at iba pang sektor na inaasahang lalahok sa naturang pagkilos.
Anya, kasama sa ka­nilang sentimyento ang matagal nang ipinagka­kait na P125 dagdag-sahod, pagtaas ng presyo ng petrolyo at mataas na halaga ng mga bilihin at serbisyo sa pamahalaan.
Binanggit pa ni San Mateo na ang mga tsuper na nagtatrabaho at nag­papatulo ng pawis sa araw araw upang maka­pagbigay ng serbisyo-publiko sa mamamayang Pilipino, ay isa sa pina­kamasahol na pinahi­hirapang sektor sa bansa dahil sa matinding krisis pang-kabuhayan dulot ng mga makadayuhan at palpak na patakaran sa ekonomiya ng adminis­trasyong Arroyo. (Angie dela Cruz)

ANAKPAWIS PARTYLIST

ANGIE

LIWASANG BONIFACIO

MAYO UNO

OPEREYTOR NATIONWIDE

PISTON SECRETARY GENERAL GEORGE SAN MATEO

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with