Overstaying na Japinos ‘di pagmumultahin ng BI
April 29, 2007 | 12:00am
Hindi na pagmumulta hin ng Bureau of Immigration ang mga "Japinos" na overstaying na sa Pilipinas.
Ayon kay BI acting Commissioner Roy Almoro, ito ay matapos na payagan ang kahilingan ng "Japinos" na huwag pagmultahin upang maipaalam ang kanilang pananatili sa bansa at para muling makabiyahe sa Japan kung saan sila ay ipinanganak.
Ang Japino ay anak ng isang Hapon at Filipina na madalas na tawaging "Japayuki" dahil dati nang nagtratrabaho bilang mga entertainers sa Japan.
Idinagdag pa ni Almoro na pumayag siya na i-waive ang visa extension fees ng mga "Japinos" hindi lamang dahil sa hirap sila sa pera kundi ang mga dayuhang ito ay kwalipikado na kilalanin bilang Filipino citizens dahil ang kanilang ina ay isang Pinay.
Ang mga 13-24 gulang na Japinos ay overstaying sa bansa ng mahigit 10 taon matapos na sila ay abandonahin ng kanilang amang Hapon.
Ang walong Japinos ay aalis patungo ng Japan, kung saan nakatakdang magtrabaho bilang mga factory workers sa sandaling i-renew ng Japanese Embassy sa Pilipinas ang kani lang napasong passports.
Napag-alaman na ang humingi ng tulong sa BI ang Cebu-bases Shin Nikkejin Network Association Inc (SNN) isang non-government organization na ang mga miyembro ang mga Japanese nationals na nakatira sa Cebu. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
21 hours ago
Recommended