Mataas na sahod sa guro, edukasyon tiniyak ni Loren

Inilatag kahapon ni GO senatorial candidate Loren Legarda ang kanyang legislative agenda na naglalayong itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa at ang kabuhayan ng mga guro.

Sa kanyang pagharap sa miting na isinagawa sa Philippine Public school Teachers Association (PPSTA) auditorium sa Quezon City, inihayag ni Loren ang pagtatayo ng bagong mga paaralan, paggawa ng mga school desk, pag-iimprenta ng libro at pagha-hire pa ng mga guro bilang mga pangunahin sa kanyang educational agenda. Nais din niyang magtalaga ng di bababa sa 6 porsiyento ng gross national product (GNP) bilang taunang pondo ng edukasyon. (Joy Cantos)

Show comments