John O. sumaklolo kay Trillanes sa kampanya
April 26, 2007 | 12:00am
Hindi lang ang pagkapiit sa detention cell ng Marine Brigade Headquarters ang problema ni Lt. Senior Grade Antonio Trillanes sa kanyang kampanya sa pagtakbo sa Senado kundi pati na rin ang kakulangan ng sapat na pondo.
Buti na lang, merong naniniwala sa kakayahan ng dating Navy officer na naki lala ng publiko ng mag-aklas laban sa administrasyong Arroyo bilang lider ng Magdalo na umokupa sa Oakwood Hotel noong Hulyo 2003.
Ayon kay Rolando Averilla, campaign spokesman ni Trillanes, mismong mga kapwa niya kandidato sa Genuine Opposition ang nagbibigay ng dagdag na pondo para lang maituloy ang kaniyang kandida tura.
Tinukoy ni Averilla si da ting Senador John Osmena na kasama ni Trillanes sa GO na nagbigay ng campaign funds.
Dahil dito, ipinangako aniya ni Trillanes sa lahat ng kanyang mga taga-suporta na hindi niya bibiguin ang kanilang hangarin na pagbabago na kanyang pangunahing isusulong sa sandaling manalo sa Senado kasama na dito ang pagsupo sa korupsyon at pagpapaunlad sa kabuhayan ng bawat isang Filipino. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest