Suspek kay Julia talunan daw sa sugal
April 23, 2007 | 12:00am
Malaki na umano ang natatalo sa sugal kaya marahil ninakawan at pinatay ng isang tour guide ang US Peace Corps volunteer na si Julia Campbell.
Ito ang ispekulasyon ng ilang mga kapitbahay ng suspek sa Battad, Lagawe, Ifugao na kabilang sa ini imbestigahan at hinahanap ng pulisya kaugnay ng pagkakapaslang kay Campbell na ang bangkay ay natagpuang halos nakabaon sa lupa sa isang creek sa Banaue, Ifugao noong nakaraang linggo.
Ayon sa isang ulat ng dzRH, sinasabi ng mga residente na nahihirapan umanong maghanap ng mapagkakakitaan ang suspek na nagsa-sideline bilang tourist guide bagaman isa itong furniture maker at wood carver. Hindi pa inilalabas hanggang sa kasalukuyan ng pulisya ang kanyang pangalan.
Iginigiit ng asawa ng suspek na wala sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang kanyang mister.
Sinasabi naman ng ilang residente na kinakapos sa pera ang suspek dahil malaki na ang natatalo nito sa sugal. Ito marahil anila ang dahilan kaya nito ninakawan at pinatay si Campbell.
Samantala, mahigpit nang ipinapatupad ng pama halaang lokal ng Lagawe ang "no guide, no travel" dahil sa naturang krimen.
Inatasan ng pamaha laang-lokal ang pulisya na pagbawalan ang mga dayuhan na makapasyal sa mga tourist spot sa naturang bayan nang walang kasamang ìguide.
Mas mahigpit nang ipapatupad ang nasabing patakaran sa mga turistang babae.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended