Brownout dahil sa sobrang init
April 19, 2007 | 12:00am
Dumanas ng brownout ang iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon maka raang umabot sa 6,630 megawatts ang energy consumption matapos magkasabay-sabay ng gamit ng kuryente ang mga residente dahil na rin sa sobrang init nitong Martes.
Sa press statement, sinabi ng Manila Electric Co., ang largest power distributor sa bansa, umaabot lamang sa 6,400 mgw ang demand ng kuryente na nakokonsumo, subalit dahil nagkasabay ang gamit ng aircon at electric fan ay hindi nakayanan ang suplay at bumigay ito.
Nitong Martes ang naitala ng PAGASA na pinakamainit na panahon sa Metro Manila sa temperaturang 36.8.
Ilan sa mga naapektuhan ng dalawang oras na brownout ay Pampanga, Bataan at ilang bahagi ng Metro Manila. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest