Niresolba ng High Tribunal ang isyu hinggil sa LP leadership matapos magkaroon ng dalawang paksyon ito sa pagitan ng Drilon wing at Mayor Atienza wing.
Pitong mahistrado ang bumoto na mayroong huris diksyon ang Commission on Elections (Comelec) sa petisyon ni Drilon na kumukuwestyon sa ginanap na rump session ng grupo ni Mayor Atienza noong Marso 2, 2006 sa Manila Hotel kung saan ay inihalal na pangulo ng LP ang alkalde habang 6 na justices naman ang bumoto na walang hurisdiksyon ang poll body dito.
Sa pangalawang isyu naman kung balido ba ang naging amyenda ng grupo ni Drilon sa LP constitution ay siyam na mahistrado ng SC ang nagsabing valid ang amendments habang 5 lamang ang kumontra dito.
Naniwala ang mayorya ng mga mahistrado na balido ang ginawang pag-amyenda sa LP constitution at ang termino ni Drilon bilang pangulo ay magta tapos sa Nob. 30, 2007.
Binigyan ng 15 araw ng SC ang kampo ni Mayor Atienza upang maghain ng kanilang motion for reconsideration kaugnay sa naging desisyon ng High Tribunal.
Nasa liderato na ngayon ng LP ang usapin sa mga kandidatong tumatakbo sa ilalim ng LP-Atienza wing tulad nina Ali Atienza na tumatakbong alkalde ng Maynila at Manny Pacquiao na kumakandidato din bilang kongresita sa 2nd district ng South Cotobato. (Rudy Andal)