Survey binira ni GOMA

Mananalo ako sa eleksyon!

Ito ang kumpiyansang tinuran kahapon ng aktor at independiyenteng kandidatong senador na si Richard "Goma " Gomez kasabay ng pagpapahayag ng kanyang pagdududa sa resulta ng mga survey dahil hindi man lamang umano siya nakakapasok sa talaan ng mga kandidatong maaring magwagi sa halalan sa Mayo 14.

Pinuna ng aktor na lubhang kaduda – duda umano ang paraan at sistemang ipinatutupad ngayon ng iba’t ibang survey firm para ilabas lamang kung sinu-sino ang mga nangungunang kandidatong senador.

Iginiit ni Gomez na malaki ang tsansa niyang magwagi sa eleksyon batay sa mainit na pag tanggap sa kaniya ng taumbayan sa mga lugar na pinupuntahan niya para mangampanya.

Maliban dito ay naniniwala siyang iboboto at susuportahan siya ng kanyang mga tagahanga. (Joy Cantos)

Show comments