^

Bansa

Job matching, inilunsad

-
Upang tulungan ang mga milyong Pilipino na makahanap ng trabahong akma sa kanilang kakayahan, itinatag na ang isang bagong service company na tinawag na JOB 1 Global Inc. o JOB 1.

Inaasahang malaking tulong din ito sa mga kumpanya na nangangailangan ng mga manggagawa at mga Pilipinong naghahanap ng tamang trabaho.

Pagtutugmain ng JOB 1 ang pangangailangan ng mga pribadong kumpanya at overseas recruit ment agencies para sa kuwalipikadong aplikante at ang pangangailangan ng tamang trabaho ng maraming Pilipino.

"Isang malaking isyu sa kasalukuyang problema sa kawalan ng hanapbuhay ang kabiguan ng mga kumpanya o recruitment agencies na makakuha ng kuwalipikadong manggagawa, at sa kabilang dako naman ay ang mga trabaho na hindi akma sa kuwalipikasyon at personalidad ng mga nagha hanap ng trabaho," pahayag ni Manuel Enrico Santos, presidente ng JOB1.

Ang JOB1 ay isang joint venture ng Global Direct Pty. Ltd, isang internet marketing company na naka-base sa Queensland, Australia, at isang grupo ng mga Pilipinong negosyante at propesyonal na kaanib ng mga grupong Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP) at Ligaya ng Panginoon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang www.job1global.com o tumawag sa (+632) 7090393 or 4211855, o tumungo sa alinmang sangay ng Netopia Internet cafe.

vuukle comment

BROTHERHOOD OF CHRISTIAN BUSINESSMEN AND PROFESSIONALS

GLOBAL DIRECT PTY

GLOBAL INC

INAASAHANG

ISANG

MANUEL ENRICO SANTOS

NETOPIA INTERNET

PILIPINO

PILIPINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with