^

Bansa

Peace covenant sa Caloocan hiningi

-
Dahil sa posibleng pagsiklab ng karahasan at dayaan sa darating na halalan, hiniling kahapon ni Caloocan 2nd District congressional bet Atty. Nilo T. Divina kay Caloocan Bishop Deogracias Yniguez na pangunahan ang isang ‘peace covenant’ para sa lahat ng kakandidato sa siyudad upang magkaroon ng isang malinis, maayos at tahimik na halalan sa Caloocan.

Si Divina, na lalaban sa ilalim ng pro-administration party na Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi) at Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ay umapela kay Bishop Yniguez na kumbinsihin ang lahat ng kandidato sa Caloocan na pumirma sa isang ‘election covenant’ matapos ang ilang insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng ilang kandidato sa siyudad.

Sinabi ni Divina na ang Simbahan lamang ang may moral na karapatan na kumbinsihin ang mga kandidato at mga botante na umayon sa isang malinis, maayos at tahimik na eleksiyon.

Sa kanyang liham kay Yniguez, iminungkahi ni Divina na ang pagpirma sa covenant ay gawin pagkatapos ng isang misa para sa tahimik at maayos na eleksiyon. (Lordeth Bonilla)

BISHOP YNIGUEZ

CALOOCAN

CALOOCAN BISHOP DEOGRACIAS YNIGUEZ

DEMOKRATIKONG PILIPINO

DIVINA

LORDETH BONILLA

MALAYANG PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with