Political ads ng GO malisyoso raw, ayaw iere ng ABS-CBN at GMA
April 14, 2007 | 12:00am
Tinanggihan umano ng dalawang pinakamalaking broadcast network sa bansa ang apat na political ads ng Genuine Opposition dahil ito ay lumabag sa pamantayan sa pagbo-broadcast.
Ayon kay Team Unity deputy spokesman Tonypet Albano, hindi tinanggap ng ABS-CBN channel 2 ang tatlo sa apat na political ads mula sa GO samantalang tinanggihan naman ng GMA ang isa sa apat na proposed paid political ads.
"Walang mensaheng pang-relihiyon, pampulitika o pangkagandahang asal ang naturang mga political ads. At ano ang dapat asahan ng mamamayan mula sa mga taong walang hinangad kundi kapangyarihan at paggawa ng anumang bagay matamo lamang ang kanilang tagumpay ng kanilang paghahangad sa ng kapangyarihang political," sabi ni Albano.
Naniniwala si Albano na "ang mga tinanggihang ads ay tiyak na lumampas sa hangganan ng kagandahang asal. At kung walang paglabag, hindi sana inayawan ang mga ito na ipalabas dahil sa ito ay binayarang patalastas," sabi ni Albano.
Ang matinding karahasan at masamang pamumuhay na inilalarawan sa ads ay bunga umano ng kaisipan ng mga taong nakapaligid sa GO at ng mga nagpapatakbo ng senatorial campaign ng GO.
Dapat aniyang tanggihan ng mga botante ang mga kandidato ng GO upang hindi mag-ugat sa kasaysayan ng politika ang pagkapoot at masamang paghahangad. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended